KOM(UNYON) ni RB Abiva sa kaniyang librong Po(e)(li)tika, 2019

 


KOM(UNYON)

 

“Sinukbit ang itak,/ Sinadibdib ang/ Ripleng/ Eskapularyo. Dasal lamang/ Na mga tulang bubulwak/ Ay di hahangaan/ Lamang kung/ Puso’y bulak.” – Frank Cimatu, Batang Kalaw

 

Laman ng aking katawan

itong mainit na tinapay,

at dugo ko ang nangaipon

sa gintong kalis na ito.

 

Tanggapin niyo,

ang sakramento

ng Banal na Kordero

at Ispirito,

para sa ikagagamot

ng kasalanan ng mundo

at pag-abot sa buhay

na walang – hanggan

sa pangakong Paraiso,

gawin n’yo ito

bilang pag-alala sa akin.

 

Amen!

 

Bang!

Bang!

Bang!


Comments

Popular Posts