ni R.B. Abiva
“Now for that slice of sausage. Into your mouth. Getting your teeth into it. Your teeth. The meaty taste. And the meaty juice, the real stuff. Down it goes, into your belly.”- Alexander Solzhenitsyn,
One Day in the Life of Ivan Denisovich, 1962
Gutom ang Tokarev. Bala’y ipinások.
Binuo ang pila, pagkuwa’y natungkáb
ang bungo sa utak. At iba ang taláb,
“Ay! Si Mayakovsky, nagbigti sa súlok!”
Ang niyebe’t poste’y biglang may talúlot.
Hiling ba ng Diyos na ito’y maganáp?
Sa kanyang likuran, dugo ay bumulwák;
“Si Isaac Babel ay ipinambákod!”
Minsan nga’y sumilip ang hari ng bantáy
anaki’y napipi ang buong daigdíg
nang siya’y nagsindi sa gitna ng dilím.
“Siya’y taong-lobo, KGB at tagláy
ang Mosing may mata!” Bukas, lalagitík
ang mga katawan, kami’y ililibíng.
Comments
Post a Comment