Calosa, In Saecula Saecolorum at iba pang mga tula, Ikalawang Edisyon

 

 


 Maaari nang mabili ng publiko ang ika-12 libro ng makatang si R.B. Abiva. 

Inilimbag ngayong araw ng Ukiyoto Publishing- Canada ang ikalawang edisyon ng kaniyang librong Calosa, In Saecula Saecolorum kung saan ang sentral niyang pinapaksa ang lider ng pag-aaklas ng mga Kolorum ng Tayug, Pangasinan na si Pedro Calosa.

Ang koleksyon niyang ito'y nagwagi kamakailan sa Premyong LIRA (LIRA Prize) ng Karangalang Banggit kung saan pinuri ni National Artist for Literature Virgilio Almario ang kaniyang antas tudlikang tugmaan. 

Sa ngayon ay inihahanda ng Samahang Lazaro Francisco at Center for Ilokano and Amianan Studies ang isang book launch.

Patunay ang librong ito sa dedikasyon ni R.B. Abiva sa panitikang mapagpalaya na sinasalamin marahil ng dalawang beses na pagkilala sa kaniya ng Human Rights Online Philippines at British Embassy- Manila dahil na rin sa kaniyang "consistent" na pagpaksa sa "human rights," at kahalagahan ng "freedom of expression.".###

Comments

Popular Posts