ISA KA BANG ARIPUEN?

Pangasinense ang salitang aripuen na nangangahulugang "alipin" sa Filipino at "adipen" naman sa Ilokano, at ngayong Hunyo na maaaring bilhin at mabasa ng publiko ang nobeletang ito mula sa musa at panulat ng Ilokanong makata at manunulat na si RB Abiva. Ang nobeleta ay eksklusibong inilathala ng Rebo Press Book Publishing, at kasama ng iba pa nilang libro'y nakatakdang maimbitahan sa Frankfurt, Germany, ngayong taon, para sa isang international book festival.

Marami ang nahihiwagaan kung bakit aripuen o alipin ang pamagat ng nobeleta. Ayon sa maikling sinopsis ng aklat, mga tala o "notes" ang aripuen mula sa loob ng kural- sa madaling sabi'y sa loob ng piitan- na malamang sa malamang ay bahagi ng isang malaking proyekto ng makata at manunulat pabor o kontra sa kaniyang panahon at kapangyarihan. 

Para sa mga nagnanais umiskor ng/sa mahiwagang aklat ng mga aripuen - ito'y kung itinuturing mo ang iyong sarili bilang isa ring aripuen- ay maaaring makipag-ugnayan lamang sa awtor sa link na ito: https://www.facebook.com/ReneBoyAbiva/ ,  dumiretso mismo sa pabliser:  https://rebopressph.com/aripuen-isang-nobeleta/, o bisitahin ang katalog na ito: https://online.fliphtml5.com/qhfwv/uxtq/?fbclid=IwAR2hhYhjgmbTYYBgvdDwuNYs_Rhc664rCMy1e8mWnFhRZYCIzQvkc0s1R0Q#p=1

Ano pang hinihintay mo, iskor na at baka maubusan ka!
 

 

Comments

Popular Posts