OKOR, IOOF, BSP AT SNT, NAGSAMA-SAMA SA UNANG PAGKAKATAON UPANG GUNITAIN ANG IKA-124 TAON NG INDEPENDENSIYA NG FILIPINAS SA SIYUDAD NG CABANATUAN!
Nagsama-sama sa unang pinakaunang pagkakataon ang tatlong institusyon sa lalawigan ng Nueva Ecija upang gunitain at ipagdiwang ang ika-124 taon ng independensiya ng Republika ng Filipinas mula sa kuko ng kolonyalistang paghahari ng mga Kastila. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng mga kabalyero ng Order of the Knights of Rizal- Cabanatuan City Chapter na sina Sir Johny Ortiz III, KR at Sir Alen Paul Madriaga, KOR sa pangunguna ni Sir R.B. Abiva, KCR (na kasalakuyang kumander ng nasabing kapatiran at sekretaryo ng Nueva Ecija Odd Fellows Lodge No. 38).
Maliban sa likas na makasaysayan ang araw na ito, Hunyo 12, 2022, ay mitsa na umano ito ng pangmatagalang “partnership” sa pagitan ng kapapanganak kamakailan lamang na unang lohiya ng Nueva Ecija Odd Fellows Lodge No. 38 sa pangunguna ni Noble Grand Francis Joshue Omega De Guzman at Vice Grand Rodrigo Menorca, III (na parehong aktibong opisyal ng Order of the Knights of Rizal- Cabanatuan City Chapter).
Hindi lamang OKOR at BSP ang may nasyunalistang oryentasyon. Bago pa maitatag ang mga nasabing organisasyon ay una nang nakibaka para sa kalayaan ng Filipinas mula sa kamay ng mga Kastila ang Independent Order of Odd Fellows sa Filipinas. Taong 1872 nang una itong itatag sa bayan ng Dumagueta at kasabay ng paglaganap ng rebolusyon ay palihim na rumami ang mga kasapian. Ayon sa mga dokumento at historyador ay direkta silang lumahok sa pagpapalaya sa Filipinas.
Ginanap ang nasabing paggunita una sa New Plaza Lucero at pangalawa’y sa Freedom Park sa Siyudad ng Cabanatuan. Dumalo rin ang mga kasapi ng Boy Scout of the Philippines na lalo pang nagpaalab sa umaga kung saan isinigaw ang Unang Kalayaan ng Filipinas. #
Comments
Post a Comment