Tara at Usap Tayo: Calosa, Parmata

Nabasa mo na ba ang mga librong ito na nailathala sa panahon ng pandemya? O di naman kaya ay pamilyar ka sa pangalang Pedro Calosa at sa pag-aaklas ng mga kasapi ng Kolorum sa bayan ng Tayug, Pangasinan noong 1930s? O kung Ilokano ka at gamay ang ating bokabularyo, baka naman pamilyar ka sa salitang "Parmata" na madalas mabanggit sa Bibliya? Kung hindi pa ay tara at usap tayo sa darating na Oktubre 30 sa ganap na ika-4 ng hapon sa bulwagan ng Mt. Cloud Bookshop sa siyudad ng Baguio. 

At upang lalo pang ganahan, kilalanin natin ang manunulat.

 

Si R.B. ABIVA ay awtor ng labindalawang (12) libro ng mga tula, maikling kuwento, dagli, at nobela. Isa rin siyang guro sa kolehiyo, kritiko, editor, iskultor, pintor, mamamahayag, tagasalin, multi-lingual, at premyadong makata. Nalathala na ang mga akdang pampanitikan sa Diliman Review, Liwayway, Bannawag, Agos, at marami pang iba. Nagtapos ng kolehiyo sa PUP at kasalukuyang tinatapos ang kanyang MA- Malikhaing Pagsulat sa Paaralang Gradwado ng Kolehiyo ng Arte at Literature sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Tumanggap ng fellowships: Palihang Rogelio Sicat, 2018; Cordillera Creative Writers Workshop, 2018; Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop, 2019; UP National Writers Workshop, 2019; Palihang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo, 2021; at Luntiang Palihan, 2022. Hinirang ng GUMIL- Filipinas, Bannawag Magazine, at NCCA bilang Pasnaan 9 Most Outstanding Fellow. Nakasungkit na rin ng karangalan mula sa Saniata Prize, LIRA Prize, at marami pang iba. Ginawaran ng Distinguished Service Medal Award ng Order of the Knights of Rizal (OKOR) ng Pinakamataas na Konseho ng kapatirang maka-Rizal dahil sa kanyang aktibong pagtataguyod ng panitikan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Siya ang nagtatag ng Samahang Lazaro Francisco (SLF) at aktibong kasapi ng Philippine PEN, LIRA, Kataga, Gumil- Filipinas, Order of the Knights of Rizal, at Nueva Ecija Odd Fellows Lodge No. 38.  

Ngayon at kilala mo na siya, ano pang hinihintay mo, tara at usap tayo!

 

 

Comments

Popular Posts