ANGKAN NI MAXIMO SISON VIOLA, KINILALA

ni Sir Rene Boy E. Abiva, KCR

 

Iginawad ng Order of the Knights of Rizal International Headquarters, sa pamumuno ni Sir Gerry Calderon, KGCR, sa angkan ni Maximo Sison Viola ang isang pagkilala dahil sa kontribusyon nito sa pagkakalimbag ng Noli Me Tangere (1887) ni Dr. Jose P. Rizal.

 

Noong Enero 30, 2023, ginanap ang nasabing seremonya sa Pandango and Fiesta Pavilion Hall sa makasaysayang Manila Hotel, sa Lungsod ng Maynila.

 

Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga prominenteng tao sa lipunang Filipino at international community gaya nina Bise-Presidente Sara Z. Duterte, Sir Elihu A. Ybanez (Associate Justice, Court of Appeals), US Senator Emanuel Davie Jones ng State of Georgia, at marami pang iba.

 

Tinanggap naman ang nasabing Supreme Commander’s Citation ni Chris L. Gallego, anak ni Manuel V. Gallego Foundation Colleges President Dr. Joseph L. Gallego at apo ni Dr. Manuel Viola Gallego (MVG).

 

Sinasabi ng mga tala sa kasaysayan na mula sa pinag-isang angkan ng Viola at Gallego ang pinagmulan ni Dr. Manuel Viola Gallego na yumao noong 1976, na kamakailan lamang ay ginunita ang kaniyang ika-130 taon ng kapanganakan. Dahil sa itinayo niyang kolehiyo, ang MVGFC, napreserba ang mga dakilang simulain ni Maximo Viola na kaniya namang tiyuhin.

 

Kung matatandaan, Enero 18 ng taong kasalukuyan nang unang gawaran ng Order of the Knights of Rizal si Dr. Manuel Viola Gallego dahil sa mga nasabing batayan ng pagpapahalaga sa edukasyon at bayan.

 

Ang nasabing citation ay binasa sa seremonya ni Sir Paul Bilaoen, KGOR. ###


 

Comments

Popular Posts